Hot News

Sunog sumiklab sa bahagi nig tanggapan ni VM Atienza sa Manila City Hall

Edd Reyes Sep 2, 2026
20 Views

SunogSunog1Sunog2SUMIKLAB ang sunog sa bahagi ng tanggapan ni Manila Vice Mayor Chi Atienza sa ikalawang palapag ng Manila City Hall Miyerkules ng umaga.

Hindi pa batid ang dahilan ng sunog na nagsimula dakong alas-5:57 sa paminggalan o pantry na umabot lamang sa unang alarma bago tuluyang naapula ng alas-6:21 matapos ang mabilis na pagresponde ng Manila Fire District, Intramuros Fire Station, at mga volunteer fire brigades.

Sinabi ni Vice Mayor Atienza na wala namang mahahalagang dokumento sa kanyang tanggapan ang nadamay sa sunog nang personal siyang nag-inspeksiyon, maliban sa tanggapan ng kanyang chief of staff na nasa tabi lang ng pantry.

Inihayag naman ni Mayor Isko Moreno na tuloy ang operasyon at walang suspensiyon ng trabaho sa Manila City Hall dahil mahalagang maiparating sa kanyang mga kababayan ang karapat-dapat na serbisyo lalu na’t dumanas ng kalamidad na dulot ng Habagat ang maraming pamilyang Manilenyo.