Calendar
Nanumpa na bagong Dasma mayor, vice mayor
DASMARIN̈AS CITY, Cavite–Nanumpa na bilang mga bagong mayor at bice mayor sina Elpidio ‘Third’ Barzaga III at Rudy Lara kay Secretary of Interior and Local Government Jonvic Remulla noong Lunes.
Nanumpa na din ang bagong halal na congresswoman ng 4th district ng Cavite na si Jenny Barzaga kay House Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III sa Batasan Pambansa sa Quezon City.
Nag-ugat ang pag-angat sa posisyon nina Third at Lara ng magwagi sa congressional race si Jenny Barzaga sa special election noong August 29.
“Itutuloy ko po ang legacy ni Cong. Pidi, ipagpapatuloy po namin ni Vice Rudy ang mga programa at proyekto, and continue the platform, focus ng education, health and social services from womb to tomb program at pagpapa-unlad ng Lungsod ng Dasmarin̈as,” sabi ng bagong mayor.
Nakatakda din manumpa sina Joy Dela Cuesta na hahalili sa yumaong Bokal na si Jun Dela Cuesta at Engr. Moises Menquinto para sa naiwan na seat ni Vice Mayor Lara.
