Calendar
Negosyante pinaslang ng ka-angkas
TODAS ang 58-anyos na negosyante nang barilin ng kanyang ka-angkas sa motorsiklo Martes ng gabi sa Caloocan City.
Sa pahayag ng 21-anyos na testigo sa pulisya, nasaksihan niya ang ginawang pamamaril sa biktima ng lalaking naka-angkas sa minamanehong motorsiklo nang huminto sa Camarin Road dakong alas-7:30 ng gabi.
Matapos ang pamamaril, nagtatakbo ng tumakas ang suspek na nakasuot ng light brown na t-shirt at light color pants patungo sa Quisumbing St. sa Barangay 178 Area D
Sa inisyal na ulat na tinanggap ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Benliner Capili, may nakabimbing kasong isinampa ang biktima sa Caloocan City Prosecutor’s Office noong Hunyo 5, 2026 na may kaugnayan sa kasong Qualified Theft.
Inaalam pa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Joey Goforth kung may kaugnayan ang kanyang isinampang kaso sa nangyaring pamamaslang sa kanya.

