DOE: Presyo ng gas, diesel tatas
Nov 22, 2024
Kapayapaan sa Ukraine makamit na sana–PBBM
Nov 22, 2024
Calendar
File photo ni JONJON C. REYES
Metro
Sunog sumiklab sa P’que, 100 pamilya nawalan ng tirahan
Edd Reyes
Aug 19, 2024
68
Views
AABOT sa 100 pamilya ang naabo ang bahay at dalawang fire volunteer ang nasugatan sa sunog na lumamon sa mahigit 50 kabahayan noong Linggo sa Paranaque City.
Nagsimula ang sunog dakong alas-7:29 ng gabi sa bahay ng pamilya Ecawat sa Sitio Fatima Valley 6, Brgy. San Isidro.
Umabot sa ikaapat na alarma ang sunog sa loob lang ng isang oras at naapula dakong ala-1:00 na ng madaling araw ng Lunes.
Kinilala naman ni Paranaque Fire Marshal F/SSupt Eddie Tanawan ang mga nasugatang fire volunteer na sina Stanalirol Gallemit, 20, at John Carlo Erea, 25, miyembro ng San Isidro Volunteer.
Aabot sa P500,000 ang halaga ng naabong ari-arian, ayon sa mga firefighters.
Pansamantala namang nanunuluyan sa covered court ng Brgy. San Isidro ang mga nasunugan.
18-anyos na suspek sa pagnanakaw tiklo
Nov 22, 2024
2 lalaki sablay sa pagtangay ng P400K cable wires
Nov 22, 2024
Mag-lolo utas sa sunog sa QC
Nov 22, 2024