BBM1

Suplay, presyo ng bigas masusing binabantayan—PBBM

Neil Louis Tayo Aug 18, 2023
197 Views

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na masusing binabantayan ng gobyerno ang suplay at presyo ng bigas.

Ayon kay Pangulong Marcos inaasahan na madaragdagan ang suplay ng bigas sa bansa dahil sa nalalapit na anihan.

“Binabantayan namin nang mabuti ang pag supply ng ating bigas at pagbantay sa tumataas na presyo ng bigas at mayroon naman tayong balita na nagsimula na ang pag-aani sa Nueva Ecija, sa Isabela, at saka sa North Cotabato,” ani Pangulong Marcos.

“Kaya’t ito’y magdadagdag sa supply natin. Ang binabantayan syempre natin ‘yung farmgate price, dahil ‘yun ang nag pataas sa presyo ngayon at pati ‘yung pag-import ng mga ibang inputs at saka ng bigas mismo,” dagdag pa ng Pangulo.

Ayon kay Dr. Leo Sebastian, Undersecretary for rice industry development ng Department of Agriculture (DA), inaasahan na aabot sa 900,000 metriko tonelada ang maaani mula sa Isabela, Nueva Ecija, at North Cotabato.

“Palay harvest will peak in late September to October, contributing largely to the country’s second semester (July to December) production, estimated at more than 11 million metric tons (MMT),” sabi ni Sebastian.

“Barring strong typhoons in the coming months that may adversely affect Central and Northern Luzon, we are aiming to harvest up to 11.5 MMT in the second semester of the year. This would breach the 20-million MT total national palay production, making it a record, being the highest in the country’s history,” dagdag pa nito.