Vic Reyes

Suporta kay PBBM,Speaker Romualdez magtutuloy-tuloy

Vic Reyes Jun 22, 2025
16 Views

MAGANDANG araw sa lahat ng ating mga suki, lalo na sa Japan at Oman.

Nawa’y nasa maayos at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina: Ma. Theresa Yasuki, La Dy Pinky, Mama Aki, Tata Yap Yamazaki, Endo Yumi, Lorna Pangan Tadokoro, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at Hiroshi Katsumata, ang isa sa nga iginagalang na kaibigan ng mga Pinoy sa Japan.

Ganun din kay Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Mabuhay kayong lahat!

(Para sa inyong pagbati at opinyon, mag-text sa # +63 9178624484)

***

Lahat kasi ng mga gustong kumandidato sa pagka-presidente sa 2028 ay kanya-kanya na ng pakitang gilas.

Gagawin nila ito para sila ang gawing kandidato ng kanilang kampo sa susunod na presidential election.

Ang masakit, siguradong pati fake news ay gagamitin ng mga taong ito upang sirain ang administrasyon ni Pangulong Marcos.

Kaya dapat magtatag ng isang grupo para sila ang bahalang sumagot sa mga ibabatong isyu.

Para mai-focus ni Pangulong Marcos ang kanyang atensyon sa pag-address sa mga problema ng bansa.

Kailangang tuloy-tuloy ang serbisyo ng gobyerno.

****

Marami ang naniniwala na mananatili ang suporta ng mga kongresista sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R.Marcos Jr.

Ang pamunuan ng House of Representatives ay mananatili sa grupo ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Dahil sa kanyang magaling na pamamalakad ay tiyak na ang pananatili ng House Speaker ng congressman mula sa Leyte.

Mabuti naman ito para masiguro ang passage ng Legislative Agenda ni Pangulong Bongbong.

Dapat lang na ma-aprobahan ang mga Legislative Agenda para tuloy-tuloy ang mga programa at proyekto ng Marcos administration. Isa pa, habang nasa puwesto si Speaker Romualdez ay hindi makaporma ang mga destructive critics ngadministration.

Tiyak ‘yon kasi hindi papayagan ni Speaker Romualdez na masabotahe ang mga programa ng administrasyon.

***

Sa katanghaliang-tapat ng Hunyo 30 ay uupo na ang lahat ng elected government officials.

Ang masakit lang ay siguradong marami ang mawawalan ng trabaho sa mga bayan, syudad at probinsiya.

Ito ang mga walang civil service eligibility na opisyal at kawani sa mga lugar na may bagong gobernador at alkalde.

Walang problema ang permanent government personnel dahil hindi sila matatanggal sa puwesto.

Ang mga mawawalan ng trabaho ay ang mga ghost employees, 15-30 na lingkod-bayan, co-terminus employees, contractuals at casuals.

Baka naman maipasok sila ng mga

natalong gobernador at alkalde sa mga pribadong kompanya.

Sa tingin natin ay tanggap naman nila ang kanilang kapalaran.