Martin-Sara Sina Lakas-CMD vice presidential candidate, Davao City Mayor Sara Duterte at Lakas-CMD President and House Majority Leader Martin Romualdez sa Mahalin Natin Ang Pilipinas Ride press conference at thanksgiving dinner na ginanap sa Triple Crown Ranch sa Davao City. Kuha ni VER NOVENO

Suporta kina Mayor Sara, BBM lalong tumibay

303 Views

MAS lalong tumibay ang suporta kina UniTeam vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte at kanyang running mate na si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa isinagawang Mahalin Natin ang Pilipinas Ride (MNPR).

Ang 28-araw na MNPR ay nagsimula sa Davao City noong Pebrero 1 kung saan din ito nagtapos ngayong araw.

Inikot ni Duterte ang mga lalawigan sa Luzon, Visayas, at Mindanao dala ang mensahe ng pagkakaisa upang agad na makabangon ang bansa mula sa epekto ng pandemya.

Mainit ang naging pagsalubong sa MNPR saan mang probinsya ito magpunta.

Sinabi ni House Majority Leader at Leyte Rep1st District Rep. Martin Romualdez na hindi maitatanggi ang malaking tagumpay na narating ng MNPR.

“This has been an enormously successful journey, for which I thank all my incumbent and former colleagues in the House, the local officials, our supporters, and the people from all walks of life who welcomed and received us. We extend to you our heartfelt gratitude,” sabi ni Romualdez, isa sa dalawang campaign manager ni Duterte.

Kung ibabatay sa dami ng mga pumunta sa campaign rally nina Marcos at Duterte sa iba’t ibang probinsya, sinabi ni Romualdez na walang duda na landslide ang magiging panalo ng mga ito sa May 9 elections.

Sinabi ni Romualdez na malaki ang maitutulong ni Duterte kay Marcos upang muling makabangon ang bansa.

“You will be an excellent vice president and a tremendous asset to the country. You have many qualities that will enhance the role of vice president. You are of great help to UniTeam presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. should both of you win the country’s two top positions,” dagdag pa ni Romualdez.

Nangako si Duterte na ipagpapatuloy ang Build, Build, Build program ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kampanya laban sa kriminalidad kasama na ang pagsugpo sa ipinagbabawal na gamot.