Speaker Martin G. Romualdez

Suporta ng Kamara sa Agenda for Prosperity ni PBBM tiniyak

240 Views

TINIYAK ni Speaker Martin G. Romualdez ang pagsuporta ng Kamara de Representantes sa Agenda for Prosperity ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Romualdez ipapasa ng Kamara ang mga panukalang batas na kailangan ng administrasyon upang mabilis na maiangat ang ekonomiya ng bansa at mapaganda ang buhay ng mga Pilipino.

“The House leadership reiterates its unwavering commitment to support the Agenda for Prosperity of President Marcos. And we have backed that commitment with tangible results. In the first five months of the 19th Congress, the House has approved a total of 19 of the priority legislations of our President. The rest are in advanced stages of consideration,” ani Speaker Romualdez.

Bago nag-adjourn para sa Christmas break, naaprubahan ng Kamara ang 19 sa 31 panukalang batas na napagkasunduan na bigyang prayoridad ang pagpasa sa pagpupulong ng Legislative-Executive Development Advisory Council’s (LEDAC).

Sinabi ni Romualdez na aaprubahan ang 12 nalalabing LEDAC priority sa susunod na taon.

“You can count on the House to work harder next year to do our part in improving the lives of our people. I truly believe it is the best way to express our gratitude for the greatest gift all public officials have received—the opportunity to serve our country,” sabi ni Speaker Romualdez.

Bukod sa mga prayoridad na panukala, sinabi ni Romualdez na naipasa rin sa oras ng Kongreso ang panukalang P5.268 trilyong budget para sa 2023. Aniya, mahalaga ang pondong ito upang mailatag ng gobyerno ang mga kinakailangang programa at proyekto.

Natapos na rin ng Kamara ang panukalang paglikha ng Maharlika Investment Fund na makatutulong sa pag-unlad ng bansa.

“We have also passed the bill creating the Maharlika Investment Fund to serve as an effective vehicle to execute and sustain high-impact infrastructure projects, urban and rural development, agricultural support, and other programs that would generate jobs for our people and spur more economic activity in the country. We believe it would likewise serve to shield our economy from headwinds that external factors may bear upon us,” dagdag pa ni Romualdez.