Martin4

Suporta ng Kongreso para sa modernization program ng AFP tiniyak ni House Speaker Martin Romualdez

Mar Rodriguez Mar 31, 2023
176 Views

TINIYAK ni House Speaker Ferdinand Martin Gomez Romualdez sa liderato ng Armed Forces of the Philippines ang suporta ng Kongreso para sa pagsusulong ng modernization program ng AFP.

Ang pahayag ng House Speaker ay kaugnay sa ginanap na House of Representatives-AFP (Visayas-Leg) sa Cebu City na dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Hukbong Sandatahan sa pangunguna ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino at mga miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Kasabay nito, sinabi din ni Speaker Romualdez na ang tinatawag na “reconciled bill” o panukalang batas para magkaroon ng “fixed term” ang isang AFP Chief Staff at iba pang opisyal ng Hukbong Sandatahan ay naglalayong siguraduhin na magkakaroon ng balance, continuity at professionalism sa AFP.

Binigyang diin ni Speaker Romualdez na napakahalaga na magkaroon ng mga makabagong kagamitan at modernong teknolohiya ng AFP kabilang na dito ang puspusang pagsasanay bilang paghahanda at mabilis na makatugon ang AFP sa mga banta na kinakaharap ng Pilipinas.

‘The House of Representatives is committed to modernize the Armed Forces of the Philippines as it is crucial to our nation’s sovereignty and security. Our military should be equipped with the latest technological advances and training to respond to the continuing threats we face,” sabi ng House Speaker.

Ibinida din ng House Speaker na pinagtibay na rin ng Kamara ang Bicameral Conference Committee (BICAM) report kaugnay sa panukala o proposal para amiyendahan ang Republic Act No. 11709 hinggil sa fixed term ng mga military officlas sa Hukbong Sandatahan.

“Regular turnover can ensure that new ideas and perspectives are constantly being introduced and that there is healthy culture of competition and meritocracy within the Armed Forces,” ayon pa kay Speaker Romualdez.