Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Villar

Suporta ng mga millennials, LGUs sa Pangasinan muling nakuha ni Villar

Mar Rodriguez Apr 8, 2025
33 Views

Villar1Villar2Villar3Villar4MULING nakuha ni House Deputy Speaker at Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Camille A. Villar ang suporta ng mga “millennials” sa Pangasinan lalo na ng buong opisyal ng Local Government Unit (LGUs) ng naturang lalawigan.

Kabilang sa mga nagpahayag ng kanilang suporta para sa kandidatura ni Villar ay sina Mayor Danny Uy, mayoralty candidate Danny Myrna Bell Uy, SINAG President Rosendo So at board members na sina Louie Sison at Isong Basco.

Habang ibinigay din ng ilang sektor sa Pangasinan ang kanilang suporta para kay Villar kabilang na dito ang hanay ng mga magsasaka, senior citizens, teachers, mga miyembro ng iba’t-ibang civil society organizations kasama na ang mga lokal na residente ng lalawigan.

Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ng kongresista ang mga lokal na opisyal ng lalawigan dahil sa ibinigay nilang suporta para sa kaniyang kandidatura kung saan ipinangako naman ni Villar na isusulong nito ang mga proyekto at panukalang batas na makakatulong sa sektor ng agrikultura sa Pangasinan partikular na ang poultry at livestock.

Samantala, sa kaniyang paglilibot sa iba’t-ibang bayan sa Pangasinan. Nakuha din ni Villar ang suporta ng mga residente at opisyal ng LGU sa bayan ng Bolinao.