Marites Lang

Suportahan Pero Silipin Ang Mga Riders ng E-Commerce

Marites Lang Jul 11, 2022
295 Views

Usong uso ngayon ang online selling. Halos lahat mula sa console table hanggang sa sukang pinakurat ay pwede orderin na lang online.

Siempre active na nakakonek sa Gcash ang account at pindot lang ang katapat.

Laging me nail file sa bag kasi pag hindi natin feel lumabas ng bahay, online order na lang madalas to a point na nagbebreak ang finger nails.

Relate na relate si Ate at Kuya sa ganyan kasi maski axle ng skateboard ay online binibili.

Syempre, nakakagulat ang paglakas ng e-commerce di ba? Mula sa Baby Boomers na mga medyo tanders na parehas nila Tiyong at Tiyang natin, mas lalo sina Junior, Dudong at Inday na Gen Z (o mga millennials sa family tree) at minsan ay nakikisali na din sina Baby K, Utoy at Ineng na Generation Alpha pero may mga gadgets na.

Ang saya naman sana subalit nakakaasar na ang isang malaking grupo ng online selling platform na mahilig magpakalog ng cellphone ay may mga instances na hindi nagdedeliver ng order. Eto ang modus operandi ng ilang kasali sa grupo nila. May picture sa system at may  presyo.

Pag tiningnan mo, available pa ang item. Pag naorder na, babawasin sa Gcash ang presyo ng item na binili. After a few days may notification na may order number at parcel number for delivery. Then biglang may notification na ORDER RECEIVED. Kahit mamutla ka sa inis e wala namang nadeliver inonotify ka pa na nireceive mo. Ghost delivery Teh! At hindi minsan lang nangyare…nagiging modus na.

Nagreport ako ulit sa messaging system nila. Sumagot naman na irereview daw subject to submission of proof. Paano magsa submit ng details e ghost delivery nga? As in walang dumating… Paano ibibigay ang evidence pag ganyan?

May notification na may nangyaring delivery e wala namang ganun.

May picture na ipinakita yung contracted rider pero hindi ko picture yung recepient sa ibang address at hindi ako nag receive. Ayun parang it takes forever para marefund pero ang masakit expecting ako na madedeliver yung isang inorder na lagayan ko sana ng mga kung anik anik na abubot pang baon sa work na bag. Hindi dumating kahit nagbayad ako at dakilang expectorant ang drama ko sa buhay.

Ang sinasabi ko na lang sa sarili ko ay “ May my problems be this little”.

Pero come to think of it, ang labo ni kuya rider. Bakit sa ibang address niya dinala at nireport niya ako nag receive. Something smells fishy, right?

Ang sarap mag order online. Pero mag deliver naman dapat sila noh!

Yung mga riders ng delivery service ay parang kakaiba na ang galaw pag ganyan.

Let’s shake our brains mga staff ng S……e kasi shopping ako ng shopping sa site nyo tapos walang delivery na nagaganap. Anyare??

Sayang ang perang nabawas sa Gcash noh… pwedeng kasalanan ng rider pero dapat me consequence sa riders nyo pag ganyan.

Bakit kayo ganyan? Sang ayon sa Consumer Protection Act of the

Philippines marapat na ang mga karapatan ng mamimili ay parating maitaguyod, maprotektahan at mapangalagaan. Sana ay masilip ito ng Department of Trade and Industry at mabigyan ng attention ng kapulisan ang ganyang mga kaso ng theft, di ba?

Baka sakali maiayos nila ito. Batang industry ang e-commerce pero dapat ay maregulate ng maayos ang pagdedeliver ng binili ng isang consumer. Kailangan ng ekonomiya ang consumer spending kaya dapat ay huwag nyo dalain kaming mga simpleng mamimili online. At kayong mga nasa Sh…ee na nagbebenta ng mga nakaka excite na produkto, pagkatapos nyo paglaruan ang damdamin namin at pakalugin ang ulo at cellphones ng mga headbangers sa mga promo nyo sa tv e biglang mawawala ang pinamili naming bago maideliver.

Ene be yennn??? Beke nemen scripted yan? Ok baka si kuya rider lang ang bukod tanging may sapi at nangnenok ng binili naming merchandise.

Paano nyo aayusin kaya yan? Nasan ang hustisya dito noh? Baka type nyo ibahin ang courier service provider nyo para madala sila. Pati kayo masisira sa negosyo nyo eh.

Kung ganyan kayo lagi e dun na lang ako oorder sa isang site na sounds like labada ang pangalan. Balita ko nagdedeliver talaga sila at baka  ibang delivery courier service ang kakontrata nila. Dun ako oorder nga next time…