Phivolcs

Surigao niyanig ng magnitude 4 lindol

163 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.0 ang yumanig sa Surigao del Sur ngayong Linggo, Hunyo 4.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-11:27 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 14 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Agustin at may lalim na 17 kilometro.