Phivolcs

Surigao niyanig ng magnitude 5.6 lindol

158 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 5.6 ang yumanig sa Surigao del Sur Biyernes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOCLS) naramdaman ang lindol alas-2:54 ng umaga.

Ang epicenter nito ay 49 kilometro sa silangan ng bayan ng Cagwait at may lalim na siyam na kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity IV – Cagwait, Bayabas at San Agustin, Surigao del Sur

Intensity III – Bislig City at Hinatuan, Surigao del Sur; Rosario, Agusan del Sur

Instrumental Intensities:

Intensity I – Tandag City, Surigao del Sur; Nabunturan, Davao de Oro;

Cabadbaran City, Agusan del Norte