Susan

Susan, ililibing sa tabi ni FPJ

Ian F Fariñas May 23, 2022
333 Views

INANUNSYO ng pamilya ng yumaong movie queen na si Susan Roces na extended ang public viewing sa Heritage Park, Taguig City, hanggang bukas, May 25, 10 a.m.-10 p.m., para bigyan ng panahon ang fans at mga kaibigan nito na nais mag-pay ng kanilang last respects.

Sa Huwebes, May 26, naman naka-schedule ang kanyang libing sa tabi ng puntod ng yumaong asawa na si Da King Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery.

Dagsa ang mga nakikiramay sa pamilya ni Tita Susan, sa pangunguna ng anak na si Sen. Grace Poe, mula pa nu’ng Biyernes ng gabi.

Ilan sa celebrity friends na namataan sa Heritage Park ay ang pamilya ni Tita Susan sa isa sa kanyang mga huling TV appearances, ang FPJ’s Ang Probinsyano, na kinabibilangan nina Coco Martin, Sharon Cuneta (kasama ang mister na si Sen. Kiko Pangilinan), John Arcilla, Lorna Tolentino, Tirso Cruz III, Rowell Santiago, John Prats, Jaime Fabregas, Richard Gutierrez, ang ABS-CBN executive na si Cory Vidanes, Gary Valenciano at marami pang iba.

Kylie

‘BOLERA,’ SWAK  NA COMEBACK  PARA KAY kylie

KUNG si Kylie Padilla ang tatanungin, swak na swak para sa kanya na maging comeback vehicle sa Kapuso channel ang upcoming seryeng Bolera.

Sa virtual mediacon na ginanap kahapon, sinabi ng anak ni Sen. Robin Padilla na hindi man siya talaga nagbibilyar sa totoong buhay, masaya siya na Bolera ang kanyang naging comeback matapos ang tatlong taon na pamamahinga sa pag-arte sa telebisyon.

Aniya, marahil ay naging malaking tulong sa pagganap niya sa karakter ni Joni, isang billiards prodigy, ang background niya sa martial arts dahil nagkaroon siya ng mahusay na coordination.

Pag-amin niya, “Mahirap siya nu’ng una ’coz right- handed person ako. ’Yung ibang muscles sa left hand ko, ’di trained to handle the stick.”

Kaya naman binigyan daw siya ng exercises ng trainors niya, pati na ni Direk Dominic Zapata para lang ma-correct ang kanyang form.

“Nu’ng pinapanood ko naman, ang ganda! So, thank you, everyone, for helping me. I’m so proud of this show talaga,” diin ni Kylie.

Dahil kuntento sa kinalabasan ng series, hindi raw ganu’n kalakas ang nararamdamang pressure ni Kylie sa TV comeback.

Ganu’n daw siya ka-confident na maganda ang kinalabasan ng kanilang lock-in taping kaya naman wala siyang masyadong pressure na nararamdaman.

Isa pa, sobrang nag-bond daw talaga sila ng co-actors niya gaya nina Rayver Cruz, Jak Roberto, Jaclyn Jose, Joey Marquez at Gardo Versoza, kaya “memory gap” lang ang naging problema niya nang magsimula silang mag-taping.

“Talagang inaral ko ’yung script and I tried to memorize kapag may oras… Nag-trust ako sa directors and co-actors, trainors and ’yun, nakaya ko,” sambit pa niya.

Mapapanood ang Bolera simula May 30 sa GMA Telebabad.