Just In

Calendar

November 2026
M T W T F S S
 1
2345678
9101112131415
16171819202122
23242526272829
30  
MCHPC1 BAGONG OPISINA NG MCHPC – Personal ng ipinagkaloob ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV ang susi ng bagong tanggapan ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) umaga ng Lunes sa tanggapan ng tagapangasiwa ng lungsod. Kuha ni JON-JON C.REYES

Susi sa bagong tanggapan ng MCHPC ipinagkaloob na sa mga mamamahayag

Edd Reyes Jul 14, 2025
477 Views

PORMAL ng ipinagkaloob ni Manila City Administrator Atty. Eduardo “Wardee” Quintos XIV ang susi ng bagong tanggapan ng Manila City Hall Press Club (MCHPC) umaga ng Lunes sa tanggapan ng tagapangasiwa ng lungsod.

Kasama ni Jocelyn Tabangcura Domenden, ang pangulo ng MCHPC, ang kanyang mga opisyales at miyembro nang tanggapin ang susi sa bago nilang tanggapan sa Room 213 na nasa ikalawang palapag ng gusali ng City Hall, katabi ng Office of the Vice Mayor.

Lubos naman ang pasasalamat na ipinaabot ng mga opisyal at miyembro ng pinakamatagal ng samahan ng mga mamamahayag na nangangalap ng balita sa City Hall, kina Mayor Isko Moreno Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza, City Administrator Atty. Quintos, Chief of Staff Cesar Chavez at Secretary to the Mayor Letlet Zarcal.

Nauna ng naipangako ni Mayor Domagoso sa grupo ng MCHPC na ililipat at bibigyan sila ng bago nilang tanggapan upang magamit ng Special Mayor’s Action and Response Team (SMART) ang kanilang press office sa mezzanine floor ng unang palapag ng gusali, sa itaas lang ng palikuran ng lalaki.