Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Suspek Binasahan ng warrant of arrest ng mga pulis ang naarestong suspek na natunton sa Valenzuela City dahil sa kasong panggagahasa. Kuha ni Jonjon Reyes

Suspek sa gahasa natiklo sa Valenzuela

Jon-jon Reyes Jan 30, 2025
126 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 45-anyos na lalaki dahil sa kasong panggagahasa sa Bagbagin road, Valenzuela City noong Miyerkules.

Ayon sa report, bandang alas-4:40 ng hapon nahuli ang suspek na si alyas Laga sa pangunguna ni P/Capt. Derf Jay Maquinta.

Nahuli ang suspek sa tulong ng arrest warrant na inisyu ni Judge Cholyn Mae Ruiz Bonbon, Acting Presiding Judge, RTC Br. 22 North Judicial Region, Pagadian City, Zamboanga del Sur.