Suspek Source: QCPD file photo

Suspek sa kaso ng lalaking nakitang tadtad ng saksak timbog sa QC

226 Views

ARESTADO ang umano’y isa sa dalawang suspek na tinuturong pumatay sa lalaki na natagpuan ang bangkay na tadtad ng saksak sa abandonadong bahay sa Quezon City noong Sabado.

Natagpuan ang biktima, mga 35 hanggang 40-anyos, na nakasuot ng itim na long sleeves, short at mayroong tattoo ng angel sa likod at dalawang skull sa dibdib dakong alas-2:30 ng hapon noong Sabado.

Natuklasan ang bangkay ng bata na naglalaro malapit sa bahay at ipinaalam ang insidente sa mga awtoridad.

Sa follow-up operation ng QCPD-CIDU, nadakip ang isa sa mga suspek, habang patuloy na hinahanap ang isa pa niyang kasabwat.

Ayon sa salaysay ng saksi, nakita niya ang mga suspek na lumabas ng abandonadong bahay bitbit ang mga gamit bago matuklasan ang krimen.

Sa imbestigasyon ng SOCO Team ng QCPD-FU na pinangunahan ni PCMS Frederico Mansano, nagtamo ang biktima ng mga saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at basag ang ulo.

Batay sa rekord ng Investigation Solution Automatic Verification (ISAV), mag kaso dati ang suspek kaugnay sa paglabag sa RA 9165, noong 2019 at 2024, na parehong nakabinbin sa korte.