Calendar
![Bataan](https://peoplestaliba.com/wp-content/uploads/2025/02/Bataan.jpg)
Suspek sa mga nakawan, natiklo
NATIKLO ng mga pulis noong Lunes sa loob ng selda sa Orani, Bataan ang isang suspek sa mga serye ng pagnanakaw sa Malabon City.
Ayon sa report, hindi lang sa Malabon kumakana ang naarestong si alyas Boy Bakaw, 40, kundi pati sa Bataan.
Inatasan ng Malabon police chief ang mga tauhan ng District Special Operations Unit (DSOU) na makipag-ugnayan sa Orani police kung saan nakapiit ang suspek upang maisilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Malabon City Metropolitan Trial Court (MTC) Judge Maya Joy Panga Guiyab-Camposano ng Branch 120.
Dakong alas-8:30 ng gabi ng maisilbi sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Brgy. Doña, Orani, Bataan ng DSOU ang arrest warrant laban sa suspek.
Inaresto and suspek para sa mga kasong robbery at isa pang kasong theft sa Malabon.