Calendar

Suspek sa pagnanakaw, nabulahaw ng parak matapos 10 taon
NADAKIP ng mga pulis noong Huwebes ang isang suspek sa apat na beses na pagnanakaw sa Malabon City may 10 taon na ang nakararaan.
Pasado alas-4:00 ng hapon nang madakip ng mga tauhan ni Navotas Acting Police Chief P/Col.Renante Pinuela si alyas Totoy sa Brgy. NBBS Kaunlaran makaraang inguso ng impormante ng Navotas Police Sub-Station-4 ang kanyang kinaroroonan.
Isinilbi ng mga elemento ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Navotas police sa suspek ang warrant of arrest na inilabas ni Malabon City Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Zaldy B. Docena ng Branch 170 para sa kasong apat na bilang na robbery with force and intimidation.
Ayon kay Northern Police District Public Information Office (NPD-PIO) head P/Maj. Marcelina Pino, P400,000 piyansang kailangan ng suspek kung gustong lumaya habang dinidinig ang kanyang kaso.