Anicete Kinilala ni Lt. Col. Rommel Anicete ang suspek sa pagnanakaw sa Baseco compound, Port Area, Manila.

Suspek sa pagnanakaw sa 2 tindahan nahuli

Jon-jon Reyes Mar 9, 2026
248 Views

ARESTADO ang isang lalaki dahil sa pagnanakaw ng mahigit P34,000 sa dalawang tindahan sa Brgy. 649, Baseco compound, Port Area, Manila noong Lunes at nakatakas naman ang kakutsaba ng suspek sa krimen.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rommel Anicete, hepe ng Manila Police District Baseco Police Station 13 ang suspek na si alyas Cyrus.

Pinaghahanap pa ang kakutsaba ng suspek na si alyas John.

Bandang alas-10:40 ng gabi ng mangyari ang krimen, base sa salaysay ng mga biktima na sina alyas Babylyn, 40; at alyas Gigi, 37.

Biglang lumapit ang suspek na nagpanggap na kustomer at bibili ng fabric conditioner.

Tumalikod si Babylyn para abutin ang binibili ng customer subalit ng iaabot na niya ang item, biglang umalis ang suspek dala ang pouch ng pera at sumakay sa motorsiklo na minamaneho ng isa pang lalaki.

Aabot sa P15,550 ang pinaniniwalaang kinuha ito ng suspek.

Bandang alas-2:50 ng madaling araw, dumating ang suspek sa tindahan ng biktimang si Gigi sa Blk.15, Brgy. 649, Baseco compound.

Tumuloy si Gigi sa water box para kunin ang order ng suspek ngunit paglabas ng bote ng tubig, napansin niyang kinuha ng customer ang kanyang benta na umaabot sa P19,700. sa tindahan na nasa loob ng isang plastic transparent bag na may iba’t ibang denominasyon na nagkakahalaga ng Php 19,700 pagkatapos ay tumakbo sa kabilang kalsada at lumapit sa isang lalaking sakay ng isang motorsiklo.

Rumesponde ang mga residente at mga barangay tanod at napigilan ang suspek pero nakatakas ang rider.

Dumating sa lugar sina PSSg Beverly Canlas at PSSg Macalalad at dinala ang suspek sa Baseco PS 13 para sa kaukulang disposisyon.

Nahaharap sa kasong Theft ang suspek.