Calendar

Suspek sa pagnanakaw sa QC nakorner sa Bulacan
NATUNTON at naaresto ng mga pulis ang lalaking akusado ng pagnanakaw noong Sabado sa Bulacan matapos ang dalawang taong pagtatago.
Inatasan si P/Capt. Romel Caburog, hepe ng Intelligence Group (IG), na samahan ang mga tauhan ng Camarin Police Sub-Station-10 sa pagdakip sa akusado sa kinaroroonan niya sa Expansion II, Heroes Ville 1, San Jose Del Monte, Bulacan.
Dakong alas-10:30 ng gabi nang pasukin ang bahay ng suspek at nahuli sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Evangeline C. Castillo Marigomen ng Branch 101.
Bukod sa koordinasyon ng NPD sa mga pulis ng San Jose Del Monte at barangay, gumamit din ang mga pulis ng alternative recording device upang mai-rekord ang pagdakip sa akusado.
Ayon kay BGen. Josefino Ligan, hepe ng Northern Police District, naglaan ang hukuman ng P100,000 na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado.