Calendar

Suspek sa pagnenok ng mahal na relo, pera arestado
KAMPO HENERAL Miguel Malvar, Batangas City–Nasakote ng mga pulis ang negosyanteng pinaghihinalaang nagnenok ng mga alahas at cash sa Phase 1, Block 15, Lot 5, St. Joseph Homes, Brgy. Inosloban, Lipa City, Batangas.
Walang asawa na nakatira sa Brgy. Liyang, KM 8, Siniloan, Laguna si alyas Elvis, 46, ang suspek.
Naaresto ang suspek na sangkot umano sa panghoholdap noong Abril 11 sa Sto. Tomas, Batangas.
Pinasok umano ng suspek ang bahay ng negosyanteng si alyas Joven, 51, at natangay ang isang Tag Heuer, alahas na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P400,000, isang gintong pulseras at kuwintas at malaking halaga ng pera.
Narekober sa suspek ang gintong pulseras at pera kasama ang sasakyan ng suspek, Geely SUV, sa Brgy. Banay-Banay, Katapatan Homes, Cabuyao City, Laguna.