Calendar
Kinilala ni PBGen. Arnold Thomas Ibay Regional Director ng Negros Island Region ang natimbog na suspek na kabilang sa talaan ng top 5 most wanted persons sa regional level. JONJON C. REYES
Suspek sa pagpatay sa Negros Occ. swak sa rehas na bakal
SWAK sa rehas na bakal ang isang 40-anyos na lalaki matapos matimbog ng mga operatiba ng Sipalay CCPS Negros Occidental Police dahil sa kasong pagpatay sa Purok Zone 1, Barangay Nabulao, Sipalay City, Negros Occidental, nitong Lunes.
Nakilala ang suspek na si alyas Roger, may asawa, trabahador, at residente ng Sitio Malubog, Barangay Cabadiangan, Sipalay City.
Ayon kay Police Brig.General Arnold Thomas Ibay, nagsagawa ng Manhunt Charlie Operation laban sa most wanted persons ang joint tracker teams ng Sipalay CCPS sa pangunguna ni PLT.Col Jesus B Mesahon Jr. kasama ang 4th Platoon, 2nd NOCPMCC, na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado..
Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Edwin B. Gomez, Presiding Judge, Regional Trial Court, Sixth Judicial Region, Branch 77, Sipalay City, Negros Occidental.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

