Calendar

Suspek sa pagtodas sa 5 buwang jowa, nahuli
NATAGPUAN sa tambak ng basura sa Juan Luna St., Tondo, Manila ang bangkay ng babaeng limang buwang buntis na umano’y sinaksak ng maraming beses ng ka live in niya.
Nakilala ang biktima na si alyas Jenny, 28; habang ang suspek nakilalang si alyas Rey.
Ayon kay Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-2:30 ng madaling araw natagpuan ang biktima sa nasabing lugar.
Sa kuha ng CCTV ng Brgy. 61, makikita ang isang tricycle na may itinapon sa lugar madaling araw ng Martes.
Inakala umanong basura ang itinapon ng driver na napag-alamang kinakasama ng biktima.
Sa imbestigasyon ng pulisya, posibleng sa loob ng tricycle pinagsasaksak ang 28-anyos na biktima.
Palagi umanong mag-away ang dalawa dahil pinagdududahan ng suspek ang biktima na may ibang lalaki.
Natunton ang suspek sa Baliuag, Bulacan kasama ang isa niya pang anak kaya doon natiklo ang suspek.