Rape

Suspek sa panghahalakay sinalakay ng parak sa bahay

Edd Reyes Jun 21, 2025
16 Views

NASILO ng mga pulis ang suspek sa dalawang counts ng panggagahasa sa Navotas City pero natunton sa pinagtaguang lugar noong Sabado sa Malabon City.

Inatasan ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na arestuhin si alyas Nilo, 45, makaraang matanggap ang impormasyon na namamataan ang akusado sa naturang lungsod.

Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest galing kay Navotas City Family Court Presiding Judge Cecilia B. Parallag ng Branch 9.

Nauna ng sinalakay ng pulisya ang bahay ng akusado sa Sacrista St. Brgy San Agustin subalit hindi na siya natagpuan hanggang matiyempuhan dakong alas-11:00 ng umaga sa Luna II St.