Rape Kinakausap ni Police Lt.Ferdinand Omli ang suspek matapos maaresto ng mga operatiba sa Parola Compound, Binondo, Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

Suspek sa panghahalay sa HS student arestado

Jon-jon Reyes Feb 12, 2025
27 Views

ARESTADO ang isang 39-anyos na lalaki ng mga operatiba ng MPD Delpan Police station12 matapos ireklamo ng 14-anyos na biktima na pinagsamantalahan umano ng suspek sa Binondo Manila, araw ng Lunes.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Marlon Mallorca, hepe ng Delpan Police Station, bandang 12:45 ng tanghali na maaresko ang suspek na si alyas Dennis ng Brgy 275 sa Parola, Binondo.

Sa salaysay ng high school student na biktima, natutulog siya sa kinaroroonan ng kanyang nobyo nang bigla siyang maalimpungatan at magising at nakita ang suspek na inaabuso na siya nito.

Nagsumbong ang biktima sa mga awtoridad sa nasabing himpilan. Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng warrant section, na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek..

Nahaharapa sa kasong gahasa ang suspek.