Modus Hindi na nakapalag ang suspek matapos arestuhin ng mga ahente ng NBI sa entrapment sa Cainta, Rizal. JONJON C. REYES

Suspek sa sangla-tira-benta modus nadakip

Jon-jon Reyes Mar 5, 2026
187 Views

ARESTADO ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang babaeng suspek sa “Sangla-Tira-Benta” scheme na nangbibiktima sa mga umuupa at bumibili ng property sa Rizal noong Martes.

Ayon sa pagsisiyasat, pinahiram ang suspek ng isang biktima ng P300,000 kapalit ng pag-okupa sa kanyang unit condo unit.

Sa kabila ng mga pangako, hindi kailanman nagbigay ng dokumentasyon ang suspek na nagpapatunay sa kanyang pagmamay-ari ng unit.

Kasunod nito, nag-alok ang suspek na ibenta ang inuupahang unit sa biktima sa halagang P1.5 milyon pero lumitaw ang tunay na may-ari ng condo unit at kinumpirma na ang suspek ay walang awtoridad na ibenta ang ari-arian..

Ibinunyag pa ng imbestigasyon na iligal din na isinangla ng suspek ang parking slot ng lehitimong may-ari nang walang awtorisasyon.

Nabigo ang suspek na mag-remit ng mga bayarin sa pag-arkila ng paradahan na nagkakahalaga ng P110,000 sa loob ng isang taon kasama ng P30,000 na kakulangan para sa pagrenta ng condo unit.

Kasunod ng reklamo, nagsagawa ng entrapment ang mga ahente ng NBI kung saan nahuli ang suspek.