Suspek

Suspek tiklo sa pagtodas sa nagpapa-load

Edd Reyes Mar 23, 2025
34 Views

NAARESTO noong Huwebes ng mga pulis ang 28-anyos na lalaki sa Malabon City dahil sa pagpatay sa biktimang suki nila sa tindahan.

Huli sa mga tauhan ni Malabon Police Chief P/Col. Jay Baybayan si alyas Otep at na-recover sa kanya ang ginamit niyang motorsiklo sa pagtakas isang araw matapos pagsasaksakin ang biktimang si alyas Frederick, 20, sa kanto ng Lapu-Lapu Avenue at Pampano St., Malabon.

Sa panayam kay Col. Baybayan, inamin umano ng suspek na selos ang nagtulak sa kanya upang patayin ang biktima dahil sa hinalang nililigawan nito ang kanyang live-in partner kaya madalas magpa-GCash sa kanilang tindahan.

Una ng naghinala ang pulisya na onsehan sa droga ang dahilan ng pagpatay matapos makuha sa nasawing biktima ang isang plastic na may lamang marijuana bukod sa natuklasan na nakulong na rin siya dahil sa droga.

Nakilala ang suspek nang lumutang ang dalawang truck helper na nakasaksi sa pangyayari at isa sa kanila naging kapitbahay pa ni alyas Otep.

Aminado ang suspek, na ngayon ay nahaharap sa kasong murder, na nakainom siya nang isagawa ang pagpatay at sa pagnanais na makatakas agad naiwanan niya sa crime scene ang ginamit na patalim.