NIA

Suspensyon ng completion ng Balog-Balog Dam inalmahan

198 Views

ANG suspensiyon para sa completion work ng Balog-Balog multipurpose dam ay isang malaking banta sa suplay ng tubig para sa irigasyon ng malawak na plantasyon ng palay ng mga magsasaka sa Luzon, ito ay ayon sa grupo ng mga construction companies na nagtatrabaho para sa P5.8 bilyong dam project sa lalawigan ng Tarlac.

Nabatid na ang ITP construction Inc. at Guangxi Hydroelectric Construction Bureau Co. Ltd., isang consortium ng mga construction companies, ay nagsumite na ng liham kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., upang magpahayag ng pagtutol sa aksiyon ng kasalukuyang pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) para i-terminate ang multi-bilyong proyekto na magbebenepisyo sana sa daan-daang magsasaka sa Central Luzon.

Ayon kay Isidro Pajarillaga Jr., authorized managing office ng ITP Construction –Guangxi Hydroelectric Construction Consortium, tinerminate ng NIA ang project contract sa kabila nang pagkabigo ng ahensiya na tumalima sa kanilang obligasyon sa pamamagitan nang pagresolba sa right-of-way at land possessory issues na nagresulta sa pagka-antala ng pagtatapos ng proyekto.

Sa dalawang pahinang liham na isinumite sa Office of the President at may petsang Agosto 14, 2023, sinabi nila na “the tunnel is needed for a significant progress on the project. It is needed in the construction of the ain dam so that the riverbed is dry and can be worked on. All dams need to be constructed with dry riverbed as the main dam has to be filled with materials on a layer-by-layer basis.”

Ipinaliwanag pa ni Pajarillaga na obligado ang NIA na i-deliber ang critical path para sa construction project dahil apektado nito ang buong proyekto.

Dagdag pa niya, “It is unfortunate that the administration of NIA decided to terminate the contract when the cause of the delay was due to NIA’s inability to deliver its obligations.”

Nauna rito, binigyang-diin ng Pangulo, na siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA), na dapat na makipag-coordinate ang NIA at makipagtulungan sa mga pribadong construction firms upang magamit ang dam projects, partikular na ngayong karamihan ng mga taniman sa bansa ay apektado ng climate change, gaya ng El Nino.