Calendar

SUV inararo Pinoy festival sa Canada; maraming patay, sugatan
ISANG sport utility vehicle (SUV) ang sumagasa sa mga dumalo sa selebrasyon ng Lapu Lapu Day Block Party sa Vancouver, Canada, gabi ng Sabado.
Ayon sa CBC-Canada, ang aksidente ay nangyari bandang 8 ng gabi (1 p.m. Linggo sa oras ng Pilipinas) malapit sa East 41st Avenue at Fraser Street.
Inihayag ng mga awtoridad na ang suspek na driver, na tinatayang nasa 30-anyos, ay nahuli at kasalukuyang nasa kustodiya na.
Nagpahayag ng malalim na pag-aalala at pakikiramay ang Philippine Consulate General sa Vancouver sa mga biktima ng karumal-dumal na insidente.
“As we await more information about the incident, we pray that our community remains strong and resilient imbued with the spirit of bayanihan (cooperation) during this difficult time,” ayon sa pahayag ng konsulado.
“I am shocked and deeply saddened by the horrific incident at today’s Lapu Lapu Day event. We will work to provide more information as soon as we can,” ani Vancouver Mayor Ken Sim sa kanyang post sa X (dating Twitter). “Our thoughts are with all those affected and with Vancouver’s Filipino community during this incredibly difficult time.”
Ayon naman kay Harjit Sajjan, miyembro ng Parliament para sa Vancouver South, tumama ang insidente sa “puso ng aming komunidad.”
“As we await more information, our thoughts are with our friends and neighbors in Van South who were celebrating at Lapu Lapu today,” wika niya sa CBC.
Samantala, ayon sa The Vancouver Sun, ang Lapu Lapu Day Block Party ay malapit nang magtapos nang bigla na lamang sumagasa ang sasakyan sa pedestrian-only area, dumaan sa mga food truck at tumama sa ilang mga dumalo sa karnabal.
Ang ilang mga saksi ay naglarawan ng mga eksena ng takot at kalituhan sa lugar.
Kuwento ni Abigail Andiso, isang saksi na naroroon kasama ang mga kaibigan, “I heard two loud bangs, then screaming and yelling.”
Ayon sa kanya, “There were bodies on the street. They were run over. Some were already dead on the spot.” Agad din niyang tinawagan ang 911 upang humingi ng tulong.
Nakakita rin si Dale Selipe, isa pang saksi, ng mga batang nasugatan, isang bata na may sugat sa anit, mga katawan na nakabaluktot, at isang babae na may nakatitig na mata at isang paa na nabali na.
Bago pa ang insidente, isang grupong tinatawag na Filipino BC ang nag-ulat ng mga racist verbal attack laban sa mga Black performers na nakatakdang magtanghal sa nasabing event.
“These incidents have caused distress and created an atmosphere of harm and exclusion,” anang grupo, na ipinahayag sa Vancouver City News. “We state clearly and without hesitation: we condemn these acts of anti-Black racism.”
Ang Lapu Lapu Day Block Party ay ginanap bilang pagdiriwang ng lakas at pagtutol, alinsunod sa mga pagpapahalaga ng Filipino BC. Ayon sa grupo, ang layunin ng event ay isama ang mga artistang mula sa iba’t ibang komunidad ng kulay, kabilang na ang mga Black, queer, trans at gender-diverse performers, upang maipakita ang kanilang mga pagpapahalaga sa inklusyon, pagkakaisa at saya.
“These individuals were invited with intention and care — and their presence is essential to the cultural and political spirit of this day,” dagdag pa ng grupo.
Nagbigay ng pahayag ang Philippine Consulate General sa Vancouver ukol sa insidente: “The Philippine Consulate General in Vancouver expresses its deep concern and sympathies to the victims of the horrific incident at the Lapu Lapu Day Block Party today. As we await more information about the incident, we pray that our community remains strong and resilient imbued with the spirit of bayanihan during this difficult time.”
Sa kasalukuyan, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente, at inaasahang magbibigay pa ng karagdagang impormasyon kaugnay dito.