SUVs binasag, mga gamit nilimas

Bernard Galang Nov 17, 2025
514 Views

SAN ILDEFONSO, Bulacan–Nanakawan ng pera at mahahalagang gamit ang dalawang negosyante matapos basagin ng mga suspek ang bintana ng kanilang mga sasakyan sa Brgy. Sapang Putol sa bayang ito noong Linggo.

Kinilala ng Bulacan police ang mga biktima na sina Jorge Valmadrid, 54; at Carlo Lyell Valmadrid, 34.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na ipinark ng mga biktima ang kanilang Toyota Fortuner (NBN 3432 at CAC 8940) sa parking area ng Ponce Commercial Establishment bago nagtungo sa isang kalapit na kainan para maghapunan.

Pagbalik nila makalipas ang isang oras, nadiskubre nilang basag na ang kanang likurang bintana ng kanilang sasakyan.

Kabilang sa mga nawalang gamit ang isang Oppo Reno cellphone, PWD ID, professional driver’s license, LTOPF card, Metrobank at BPI credit cards at P160,000 cash.