Swimm Mojdeh: Top female swimmer.

Swim champs Mojdeh, Baraquiel nagpasikat

Robert Andaya Mar 22, 2022
295 Views

MINSAN pang pinatunayan ni Palarong Pambansa swimming champion Jasmine Mojdeh ang kanyang husay sa kabila ng matagal na pahinga dahil sa pandemic.

Tinanghal si Mojdeh bilang top female individual champion sa 15-over class matapos makakuha ng three golds at one silver sa katatapos lang na 2022 Southern Tagalog Cup age-group swimming championships sa Quezon National High School swimming pool sa Lucena, Quezon nung nakalipss na Sabado.

Ang 16-year-old swimmer mula Behrouz Elite Swimming Team (BEST) ay nanalo ng gold medal sa girls 15-over 50-m butterfly sa oras na 30.29; girls’ 50-m breaststroke sa bago meet record na 36.51; at women’s 200-meter Individual medley sa isa pang bagong meet record na 2:40.01.

Na-kuntento naman si Mojdeh, na kasalukuyang nag-aaral sa Brent International School,Laguna sa silver medal sa girls’ 50-meter backstroke.

Tinalo si Mojdeh ni Shania Joy Baraquiel ng Cavite matapos itala ang bagong meet record na 33.57.

Si Mojdeh at nagsumite naman ng 34.89 para sa silver medal.

Kabilang din sa mga nangibabaw ang mga junior standouts na sina Jordan Ken Lobos, Marcus De Kam at Huge Antonio Parto .

Namayani naman ang Cavite Sea Beast Swimming Team para sa overall team championship tangan ang kabuuang 401 puntos sa 15-team competition, na itinaguyod ng McDonald’s Philippines, Behrouz Persian Cuisine, at City Government of Lucena.

Pumangalawa ang Calayan Educational Foundation, na may 347 puntos, kasunod ang Batangas Gator (350), Quezon Killer Whale (345), Manuel Enverga (324) at Parañaque Killer Whale (312).

“We’re so happy and blessed na nakabalik na ang mga bata sa face-to-face action. Hindi namin inaasahan na ganito karami ang sasali considering na mahabang panahon ang lockdown,” pahayag ni Joan Mojdeh, pangulo ng organizing Swim League Philippines (SLP).

“Pero mas nagulat kami sa mga personal best times ng mga bata. Marami talaga ang standout kaya ipagpapatuloy namin ito para mas marami tayong ma-discover na talent for our future teams,”dagdag pa niya.

Bukod kay mojdeh, tinanghal ding top swimmer sa 14 class si Julia Ysabelle Basa na may 58 puntos; Kylee Magtangob (8-15), Alex Cassandra Olaes (10/57), Arianna Carandang (12/55), at

Sinagtala Cuevas (12/55), Emma Paz (8/66), Sophia Valencia (11/52), Hannah Marie Honor (13/24) at Kathrine Azores (17/39).

Sa male category, nagwagi sina Richard Navo (10/57), Rio Coliyat (12/66), Guile Coliyat (14/62), Marcus De Kam (16/47), Drei Mabilin (6/69), Jace Cesa (8/20) Josh Coliyat (7/20), Lucas

Valencia (9/71), Hiro Quindara (11/45), Klint Andrei Magtangob (14/31) at Renz Carl Sabalvaro, (18/23).