LTFRB

Taas-pasahe inaprubahan ng LTFRB

306 Views

INAPRUBAHAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagtataas ng pamasahe sa tradisyonal na jeepney, modern jeepney, bus, taxi, at transport network vehicle services (TNVS).

Ayon sa LTFRB ang minimum na pasahe sa tradisyonal na jeepney ay magiging P12 na samantalang ang pasahe sa modern jeepney ay P14.

Mayroon namang dagdag na P0.30 sa bawat kilometro paglagpas sa apat na kilometrong saklaw ng minimum na pasahe at P0.40 naman kada kilometro sa modern jeepney.

“Based on the increase, the fare for succeeding kilometer run TPUJ (traditional public utility jeepney) will be P1.80 from the current P1.50, while for MPUJ (modern PUJ) will be P2.20 from P1.80,” sabi ng LTFRB.

Para naman sa public utility bus (PUB), may dagdag na P2 sa minimum fare ang mga city at provincial bus at dagdag na P0.35 hanggang P0.50 para sa mga susunod na kilometro paglagpas ng limang kilometrong saklaw ng minimum na pasahe.

Ang flagdown rate naman ng mga taxi at YNVS ay may dagdag na P5.

Ang minimum na pasahe na sa taxi at sedan-type TNVS ay P45, samantalang sa mga AUV/SUV-type TNVS ay P55. Ang hatchback-type TNVS na ay magiging P35 ang flagdown rate.

Magiging epektibo ang pagtaas 15 araw matapos na mailathala sa dyaryo ang utos ng LTFRB.