Calendar
Taas-sahod sa NCR, Western Visayas aprubado—DOLE
INANUNSYO ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan ang pagtataas ng arawang minimum na sahod sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas region.
Ayon sa DOLE inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR ang P33 dagdag sa daily minimum wage noong Mayo 13, 2022.
Ang bagong minimum wage ay P570 para sa mga manggagawa sa non-agriculture sector at P533 naman para sa mga manggagawa sa agriculture sector.
Huling itinaas ang sahod sa NCR noong Nobyembre 22, 2018.
Samantala, sa inaprubahan naman ng RTWPB-Region VI ang dagdag na P55 at P110 sa daily minimum wage.
Ang bagong daily minimum wage ay P450 para sa mga kompanya na mahigit 10 ang empleyado at P420 naman sa mga may empleyado na siyam pababa.
May dagdag naman na P95 ang mga manggagawa sa agriculture sector kaya magiging P410 na ito.
Inaasahan naman na maglalabas na rin ng desisyon ang iba pang RTWPB sa ibang rehiyon.