Calendar

Taga-EMBO di iniwan ng Taguig
MATAGAL tiniis ng mga taga EMBO ang hirap mula nang isara ang mga pampublikong pasilidad na kanila ginagamit, mga pasilidad na mula rin sa buwis nila kinuha ang pondo para maitayo.
Salamat at kumilos ang Lungsod ng Taguig. Salamat at hindi nila iniwan ang mga taga-EMBO. Salamat sa aksyon ni Mayor Lani Cayetano.
Sa kabila ng limitadong espasyo at paggamit ng mga pansamantalang mga gusali, hindi nila pinabayaan ang mga residente ng bawat barangay.
Buti na lang at inilipat ng ng korte sa lungsod ng Taguig ang pamamahala sa mga gusaling iniwan ng Makati.
Sa wakas, bumawi ang hustisya. Ipinanalo ng Taguig ang karapatan ng taumbayan na siyang tunay na may-ari ng serbisyong pampubliko.
At sa wakas din, natabla na ang iringan sa pulitika dahil sa kabila ng pagsubok, itinuloy ng Taguig ang tama.