Calendar

Tahimik, hindi matitinag na tapang ng mga bayani kinilala ni Speaker Romualdez
SA paggunita ng ika-83 Araw ng Kagitingan, kinilala ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga bayani sa digmaan at hinimok ang mga Pilipino na magnilay hindi lamang sa labanang naganap sa Bataan, kundi maging sa tahimik na sakripisyo at ibinuwis na buhay na kaakibat nito.
“Eighty-three years ago in Bataan, thousands of Filipinos stood their ground. They were tired. They were hungry. They were outnumbered. But they kept on fighting—not because they knew they’d win, but because they couldn’t give up their dignity as Filipinos,” ani Speaker Romualdez.
Inilarawan ng pinuno ng Kamara na mayroong 306 kinatawan ang taunang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan bilang isang taimtim na okasyong higit pa sa mga tala ng kasaysayan at seremonya.
“Today, we remember more than just a battle. We remember the young lives lost too soon. The families who waited for loved ones who never came home. The quiet acts of courage that never made the headlines. Their bravery wasn’t loud—but it was firm, unshakable, and true,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang Araw ng Kagitingan ay hindi lamang paglingon sa nakaraan, kundi isang pagkilala rin sa nagpapatuloy na diwa ng paglilingkod at sakripisyo na siyang humuhubog sa katauhan ng sambayanang Pilipino.
“Araw ng Kagitingan is a time to reflect on what courage really means. It’s not always about medals or ceremonies. Most of the time, it looks like ordinary people doing extraordinary things,” aniya.
Sa kanyang mensahe sa mga beteranong Pilipino at kanilang pamilya, ipinaabot ni Speaker Romualdez ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa kanila.
“To our veterans and their families, thank you. What you gave up can never be repaid—but we honor you by building a country you can be proud of,” diin ng pinuno ng Kamara.
Ang Araw ng Kagitingan ay ginugunita tuwing ika-9 ng Abril bilang pag-alala sa pagbagsak ng Bataan noong 1942, at sa kabayanihan ng mga sundalong Pilipino at Amerikano na magkasamang lumaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.