Fortun

Talamak na porno sa internet binira ng kongresista

Mar Rodriguez May 25, 2022
253 Views

NAIS papanagutin ng isang kongresista ang mga “telecommunication companies” dahil sa laganap na “Online Sexual Abuse and Children Exploitation” sa internet.

Ito ay matapos aprubahan ng Kamara de Representantes ang isinulong na panukalang batas laban sa ganitong kalakaran.

Naniniwala si Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, may-akda ng panukalang batas, na sakaling tuluyan ng maging batas ang “Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children”.

Mas lalo pang aniyang mapapa-igting ng pamahalaan ang pagtugis sa mga taong nasa likod ng talamak na “child pornography o child sexual exploitation” sa internet.

Ipinaliwanag din ni Fortun na nakapaloob din sa kaniyang panukalang batas ang pagpapanagot sa mga “telecommunication companies” kabilang na ang mga “media platforms at internet service providers” dahil sa kabiguan nilang “i-block” at tanggalin ang laganap na child pornography sa internet gayong batid ng mga kompanyang ito na mahigpit itong ipinagbabawal.

Pinalala pa aniya ito nang hindi man lamang nila pinanagot ang mga taong nasa likod ng nasabing pornograpiya sa internet.

“The measure when it becomes law, would strengthen the capacity of our law enforcers in running after perpetrators of online sexual abuse and exploitation of children. It would also hold accountable and liable telecom companies, media platforms and internet service providers for their failure to block, remove and take proper actions to ensure the prosecution and conviction of these perpetrators,” sabi ng kongresista.