Calendar
Tali, miyembro ng BTS Army — Vic
MAGLI-limang taon na sa November si Tali, panganay nina Vic Sotto at Pauleen Luna, kaya naman may “K” na ang bagets na humirit ng baby brother o sister sa mag-asawa.
Sey nga ni Vic sa digital launch bilang ambassador ng BossMax 3 dietary supplement and coffee, “Tuwing magdadasal sa gabi, parating, ‘Papa Jesus, thank You for my dad, thank You for my mom. Can You please give me a baby sister or baby brother?’”
Maging si Poleng (petname ni Pauleen), matagal nang nai-post ang hiling nilang ito ni Tali sa kanyang Instagram account.
IG post ng TV host-actress, “Forever you and me. Still praying for a baby sis/bro for Tali bachuchi tho!”
Yes, pati si Poleng, gusto nang bigyan ng kapatid ang baby nila ni Vic.
Kaso, anang Eat Bulaga host, “Parating katabi namin matulog (si Tali), eh!”
Hindi pa nga raw marunong matulog sa sariling kwarto ang bagets kaya sey ni Vic, sa tamang panahon at kung ipagkakaloob ng Diyos, matutupad din ang wish na ito ng kanyang mag-ina.
Sa ngayon, happy si Vic na nakakasama sina Poleng at Tali araw-araw dahil work from home pa rin ang set-up niya sa EB.
Kung dati raw ay takot siyang tumanda, ngayon, ninanamnam niya ang bawat araw na kapiling ang pamilya at mga mahal sa buhay.
Siyempre, gaya ng nakararami, ngayong panahon ng pandemya ay pinangangalagaan nila ang kanilang mga pangangatawan.
At dahil hindi na nga bumabata, effort kay Vic na sumabay sa taas ng energy ni Tali.
Kwento niya, “Hindi pwedeng tatamad-tamad ka dahil may kakulitan ’yung bata. Kailangan makipagtaguan ka, habulan, lahat ’yon. Kailangan may energy ka hindi lang sa pisikal (kundi) pati sa salita. Talo ’ata si Pauleen nito sa kadaldalan.”
Aliw din ang pambubuking ni Vic na K-pop fan ang anak.
Katunayan, sa batang edad ay miyembro na raw si Tali ng BTS ARMY.
“Alam niya na ’yung Dynamite, ’yung Butter. Paulit-ulit ’yon tapos pinapanood niya,” sey pa ni Vic.
Kung meron mang isa pang ipinagpapasalamat ang EB host bukod sa mas mahabang oras na nakakasama ang kanyang mag-ina ngayong pandemya, ito ay ang tiwala ng iba’t ibang produkto sa pagkuha sa kanyang serbisyo.
Gaya na lamang ng BossMax 3 ng Corbridge Group Philippines Inc., na itinuturing niyang “katuwang” sa pagpapahalaga sa buhay at pagpapanatili sa kanyang kalusugan.
Paliwanag ni Vic, “Mula 2020, lahat ng plano natin ay nausod at lahat tayo ay takot sa mga pangyayari dahil sa virus. Alam naman ninyo na batang-bata pa ako kaya kailangan nating mag-doble ingat sa pag-aalaga sa ating kalusugan. Kailangan nating maging mabusisi sa ating mga iniinom na bitamina at supplements upang tiyak tayong nagkakaroon ng tamang dami ng sustansya na tumutulong sa atin na palakasin ang ating immune system na makakatulong sa pagsabay-sabay ng ating trabaho at buhay-pamilya.”
Ang BossMax3 nga raw, na may Mangosteen Xanthone, ang “Bossing ng kalusugan” ni Vic ngayon dahil nakasisiguro siya na isa itong organic dietary supplement at kape na nakakatulong palakasin ang kanyang mga buto, kasu-kasuan, puso at may antioxidants na nagpapalakas ng kanyang immune system.
“Karapatan n’yong magkaroon ng extra immunity to be healthy dahil ang kalusugan mo ang Bossing mo,” giit pa ng komedyante-TV host.
Ang BossMax3 ay mabibili sa Mercury Drugstores, Watsons at iba pang pangunahing drugstores sa bansa.