Jake

Topless pic ni Jake, inulan ng positibong comments

Vinia Vivar Feb 22, 2022
232 Views

Inulan ng positive comments ang Instagram post ni Jake Zyrus na naka-topless siya showing off his masculine chest na first time niyang ipinakita sa publiko matapos siyang sumailalim sa breast removal surgery noong 2017.

Sa caption ay damang-dama namin ang pride and happiness ni Jake sa kanyang katauhan ngayon.

Noon pa naman ay alam ng lahat na ito talaga ang gusto niyang buhay to the point na isinakripisyo niya talaga ang kanyang bonggang singing career bilang Charice Pempengco.

“Una sa lahat salamat sa lahat ng napakaganda nyong comments sa version ko ng Maghintay Ka Lamang. Mahal ko kayong lahat.

“Pinag-isipan kong maigi kung ipo-post ko ba ‘to. Kasi lagi kong iniisip kung anong sasabihin ng ibang tao. Sa ilang taon na nag-transition ako, masaya ako sa naging takbo ng buhay ko, pero lagi pa rin akong nai-insecure sa katawan ko. Siguro dahil na rin sa standard ng karamihan.

“Pero ngayon, palalayain ko na lahat ’yun. Pagtawanan mo o hindi, hindi mo alam ang sakit, iyak at mga dugo na pinagdaanan ko bago ako nagkaroon ng confidence na buong-buo ko i-post ito.

“Masaya ako at gusto ko lang ipakita sa inyo na eto ako. Sa wakas, kumportable sa nakikita ko. Hindi ako humihingi ng opinyon. Para ito sa mga kapwa ko transgender. Kung naghahanap kayo ng sign o confidence para ipakita at maging proud sa kung sino ka, tara sasabayan kita. Para sayo to.

“Kung hindi ka man handa pa, okay lang din yun. Lahat yan may tamang panahon.

“Well. This is me guys. Mahal ko kayong lahat,” ang caption ni Jake.

Sa comment section ay labis na paghanga ang natanggap ni Jake mula sa kanyang fans and followers, partikular na nga ang mga miyembro rin ng LGBTQ+ community.

Saludo at proud sila sa tapang ng transgender singer for living his life freely and for accepting who he is.