Ed Andaya Ed Andaya, ang batikang sports editor ng People’s Taliba at People’s Tonight

Taliba sports editor Ed Andaya pinarangalan

Theodore Jurado Jun 10, 2022
444 Views

PINARANGALAN ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) at San Miguel Corporation ang batikang People’s Taliba at People’s Tonight sports editor na si Ed Andaya para sa kanyang kontribusyon sa patuloy na pag-unlad ng Philippine chess.

Ang naturang special award ay ipinagkaloob kay Andaya nitong nakalipas na awarding ceremony ng PCAP All-Filipino Conference, na pinagwagian ng San Juan Predators, kasabay ng opening ng PCAP-GM Wesley So Cup chess championship.

Si Andaya, na naging sports editor ng People’s Tonight simula pa noong 1987, ay kasalukuyan ding director ng Philippine Sportswriters Association at founding president ng Tabloids Organization in Philippine Sports.

Ang PCAP, na kauna-unahang professional chess league sa buong bansa, ay itinatag noong nakalipas na taon nina President-Commissioner Atty. Paul Elauria at Chairman Michael Angelo Chua.

May kabuuang 24 teams mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang kalahok sa naturang kumpetisyon, na itinataguyod ng Games and Amusements Board, sa pamumuno ni Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra at sinusuportahan ng San Miguel Corporation, Ayala Land Inc. at PCWorx.

Ang sikat na si GM Wesley So ay isa din sa mga masugid na taga-suporta ng PCAP.