Nasugbo

Tambay kalaboso sa P1.02M sigarilyo

147 Views

Nasugbo1Batngas1KAMPO HENERAL MALVAR, Lungsod ng Batangas — Kalaboso ang isang 28-anyos na tambay matapos masabat ang tinatayang nasa ₱1.02 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang buy-bust operation noong Linggo sa Sitio Campo Avejar, Barangay Lumbangan, Nasugbu.

Kinilala ang nadakip na suspek na si alyas Marlon, residente ng Brgy. Malaruhatan, Lian, Batangas.

Ayon kay Provincial Director PCol. Oliver Ebora, naging matagumpay ang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit, Nasugbu Municipal Police Station, RSOU4A, at 2ndBPMFC.

Tatlong master cases ng Bingo cigarettes, 11 master cases ng Modern cigarettes na umabot sa halagang ₱802,200; kasama rin ang isang puting Nissan NV100 Mini Van na may plakang MBE 1991 na ginagamit sa transaksiyon, gayundin ang buy-bust at boodle money.

Sasailalim sa medikal na pagsusuri ang suspek bago tuluyang sampahan ng kaukulang kaso sa paglabag sa R.A. No. 10643 o ang Graphic Health Warnings Law sa Tanggapan ng Piskal.