Ipagpaliban muna badge rule sa online sellers
Oct 24, 2026
Calendar
Provincial
BPPO sumuporta sa fun run for a cause
Jojo Cesar Magsombol
Sep 29, 2026
102
Views

LUNGSOD ng Batangas–Sumuporta ang mga tauhan ng Batangas Police Provincial Office (BPPO) sa ginanap na “Fun Run for a Cause: Batangueño Ayaw sa Droga” noong Linggo sa Brgy. Sampaga sa lungsod na ito.
Sa pangunguna ni PLt. Col. Dwight Fonte, Deputy Provincial Director for Administration, nakiisa ang mga pulis sa aktibidad na inorganisa ng Rotary Club ng Downtown Batangas City at Taysan.
Layunin ng fun run na isulong ang malusog na pamumuhay habang pinalalakas ang kampanya kontra-ilegal na droga.
Ayon sa Batangas PPO, malaking tulong ang ganitong mga aktibidad para patatagin ang ugnayan ng pulisya, mga sibikong organisasyon at komunidad tungo sa drug-free Batangas.
Pekeng pera nasamsam sa babae
Oct 24, 2026
Suspek sa KFR, illegal detention nasukol sa Isabela
Oct 23, 2026

