Dolor

Gov. Dolor auxiliary commodore na ng PCG

Helen D. Prado Sep 28, 2026
148 Views

NANUMPA si Gov. Humerlito Atienza Dolor ng Mindoro Oriental bilang Auxiliary Commodore ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) noong Setyembre 28 sa national headquarters ng Philippine Coast Guard, Port Area, Maynila.

Ang pagtatalaga ay pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan.

“Isang malaking karangalan at responsibilidad ang pagtanggap sa ranggong ito.

Mula noon pa man ay kaisa na ninyo ako sa pagtitiyak ng kaligtasan ng buhay at ari-arian sa dagat, pagpapanatili ng seguridad sa ating mga karagatan at pangangalaga sa yamang-dagat,” sabi ng gobernador.

Nagpasalamat din siya kay Commodore Geronimo Tuvilla, PCG commander ng Coast Guard District Southern Tagalog (CGDSTL) na katuwang niya noong panahon ng insidente ng pagtapon ng langis sa dagat.

Nagpugay siya sa kanyang pamilya lalo na sa asawang si Hiyas Govinda Ramos-Dolor.