Defensor

Tandem nina Defensor, Castelo patuloy na namamayagpag sa QC

Mar Rodriguez Mar 25, 2022
242 Views

PATULOY na namamayagpag ang tandem nina Quezon City Mayoralty candidate at AnaKalusugan Party List Rep. Michael “Mike” T Defensor at Councilor Winston “Winnie” Castelo. Matapos silang makakuha ng mataas na rating alinsunod sa naging resulta ng pinaka-huling survey laban sa kanilang mga katunggali.

Base sa pinaka-huling “tracking survey” na isinagawa ng “The Issues and Advocacy Center nitong nakaraang Marso 7 hanggang Marso 13. Kung ihahalintulad ang rating ni Defensor sa isang “saranggola” patuloy na umaalagwa ang popularidad ng kongresista.

Ito ay kaugnay sa tinatawag “voter’s preference” pabor kay Defensor matapos itong makakuha ng 52% laban naman sa kaniyang katunggali na incumbent QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte na nakasungkit lamang ng 37% o lamang si Defensor ng 15 points.

Samantalang si Castelo, asawa ng dating miyembro ng “That’s Entertainment” na si Precious Hipolito-Castelo, ay patuloy din ang pagtaas ng kaniyang “preference rating” mula sa dating 6 points. Ito ay tumaas ng 55% , habang ang katunggali nitong si Gian Sotto ay nakakuha lamang ng 25% o lamang si Castelo ng 25 points.

Pinasalamatan naman ni Defensor ang mga residente ng QC dahil sa kanilang patuloy na pagsuporta sa tándem nila ni Castelo sa ilalim ng “Malayang Quezon City” coalition.

“Nagpapasalamat ako sa mga taga Quezon City dahil sa patuloy na pagsuporta at pagtitiwala. Hindi ko kayo bibiguin at sisikapin na maging karapat-dapat sa inyong pagtitiwala,” ang maluha-luhang pahayag ni Defensor.

Samantala, nananatiling mataas ang rating ni QC 1st Dist. Rep. Anthony Peter “Onyx” Crisologo na nakakuha ng 54% preference rating laban naman sa katunggali nitong si “Ang Probinsiyano” star Arjo Atayde na nakakuha lamang ng 29%.