Taong grasa nakitang walang malay, DOA sa ospital

Gil Aman Dec 27, 2024
12 Views

NAMATAY ang isang taong grasa noong Dec. 24 na natagpuan sa tabi ng Mercury Drug sa Brgy. Banlic, Cabuyao City, Laguna.

Hindi pa nakikilala ang biktima na tinatayang nasa 30 hanggang 35-anyos, 5’6 ang taas.

Natagpuang nakahiga ang taong grasa at walang malay at dakong alas-2:30 ng hapon ipinagbigay alam sa mga pulis ang sitwasyon nito kaya dinala sa Ospital ng Cabuyao upang malapatan ng lunas.

Subalit idineklara itong dead-on-arrival ng attending physician.