Romblon Lone

Target ng DOT na 7.7m turista na pupunta sa PH kayang makamit-Madrona

Mar Rodriguez Jul 28, 2024
99 Views

𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 c𝗵𝗮𝗶𝗿𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗖𝗼𝗺𝗺𝗶𝘁𝘁𝗲𝗲 𝗼𝗻 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺. 𝗸𝘂𝗺𝗽𝗶𝘆𝗮𝗻𝘀𝗮 𝘀𝗶 𝗥𝗼𝗺𝗯𝗹𝗼𝗻 𝗟𝗼𝗻𝗲 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗘𝗹𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗼 𝗝𝗲𝘀𝘂𝘀 “𝗕𝘂𝗱𝗼𝘆” 𝗙. 𝗠𝗮𝗱𝗿𝗼𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗧𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝗺 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗿𝗴𝗲𝘁 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝟳.𝟳 𝗺𝗶𝗹𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝘁𝗼𝘂𝗿𝗶𝘀𝘁 𝗻𝗮 𝗯𝗶𝗯𝗶𝘀𝗶𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗮𝘀 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝟮𝟬𝟮𝟰 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝘃𝗶𝘀𝗶𝘁𝗼𝗿 𝗿𝗲𝗰𝗶𝗲𝗽𝘁𝘀 𝗻𝗼𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗽𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝗼𝗻 (𝟮𝟬𝟮𝟯).

Binigyang diin ni Madrona na ang kaniyang naging pahayag ay isang pagpapakita lamang na malaki ang kaniyang kumpiyansa at tiwala sa pamumuno ni Tourism Sec. Maria Christina Garcia Frasco na nagsisikap aniya upang mas lalo pang mapaganda ang sektor ng turismo.

Ayon kay Madrona, kayang-kaya ng Department of Tourism (DOT) na mapanatili ang tinatawag na “tourism gains” ng bansa o ang napakalaking pakinabang na nakukuha ng tourism sector sa pamamagitan ng malaking ganansiya na pumapasok sa kaban ng pamahalaan.

Paliwanag pa ni Madrona, bunsod ng “upward trajectory” o ang unti-unting umaalagwang performance ng Philippine tourism dahil na rin sa pagpasok ng libo-libong dayuhang turista hindi imposibleng makuha ng DOT ang target nitong visitor receipts tulad ng nangyari noong 2023 at mas maaari pa nitong mahigitan ngayong taon (2024).

Muling ipinagmalaki ng kongresista na hindi nagkamali si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. sa pagpili kay Sec. Frasco para pamunuan ang DOT sapagkat napaka-husay umano nitong “sales manager” na makikita sa dami ng mga dayuhang dumadagsa sa Pilipinas.

Sabi pa ni Madrona, inaasahan na bago matapos ang kasalukuyang taon ay mas marami pang mga dayuhan at lokal na turista ang magpupuntahan sa Pilipinas bunsod narin ng pagpasok ng Holiday Season sa darating na Disyembre.

Ikinagalak din ni Madrona ang naging direktiba ni Pangulong Marcos, Jr. sa DOT upang tuluyan ng ipatupad o simulan ang implementasyon ng “E-Visa” program na inaasahang agad na ipatutupad ng Department of Foreign Affairs (DFA).