Chess Si chess patron Jessie Villasin kasama ang mga kalahok sa second edition ng Tatang Bibo Chess Festival sa Robinsons Galleria.

Tatang Bibo chessfest bibida sa Koronadal

Ed Andaya Jun 13, 2025
53 Views

DADAYO sa Koronadal, South Cotabato ang pinanabikang 3rd Jessie Villasin chess tournament sa June 28 sa City Mall Koronadal City.

Ang naturang kumpetisyon, na tinatawag ding “Tatang Bibo Chess Festival”, ay nahahati sa dalawang categories: 1950 and below at kiddies division para sa 13 years old and below.

Inanunsyo ni tournament director Joselito Dormitorio na ang champion sa 1950 and below division ay tatangap ng P5,000.

Ang second placer ay mag-uuwi ng P3,500 habang ang third placer ay mabibigyan ng P2,000.

Ang fourth at fifth placers ay tatangap ng tig P1,000 habang ang sixth hanggang 10th placers ay bibigyan ng tig P500.

Ang mga category winners gaya ng top lady, top junior, top senior, 60 over category, top golden age, 50 to 59 years old , top 1900 and below at top unrated ay bibigyan din ng consolation cash prizes.

Samantala, ang champion sa kiddies division 13 and under category ay magkakamit ng P3,000, ang second placer ay may P2,000 at third placer ay may P1,500.

Ang fourth at fifth placers ay tatangap ng P1,000 at P700. Ang sixth to 10th placers ay may tig P400.

Category winners sa top girl, top 9 years old, top 8 years old at top 7 years old ay bibigyan ng tig P300.

Ang first two editions ay ginanap sa Robinsons Galleria Mall, EDSA cor. Ortigas Ave. Quezon City nung May 11 and June 8.

Lahat ng kalahok ay bibigyan ng free lunch.

Para sa iba pang mga katanungan, makipag-ugnayan kay Dormitorio sa 0935-5149805.