BFAR

Tatlong probinsya positibo sa red tide

149 Views

POSITIBO pa rin sa paralytic shellfish poison o red tide ang tatlong probinsya, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa inilabas na advisory ng ahensya, sinabi nito na positibo pa rin sa toxic red tide ang coastal water ng Dauis, at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas sa Zamboanga del Sur, at Liaga Bay sa Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR mapanganib ang pagkain ng anumang shellfish at alamang sa nabanggit na mga lugar.

Maaari naman umanong kainin ang mga mahuhuling isda sa lugar basta huhugasan ng mabuti, aalisin ang laman-loob, at iluluto ng mabuti.