PCG1

Taunang Gala Night ng PIWC ginanap

104 Views

PCG2PCG

MULING nagningning ang pagkakaisa at mayamang kultura ng lahing Pilipino sa naganap na taunang Gala Night ng Philippine Independence Week Committee o ang PIWC noong Linggo, ika-21 ng Hunyo 2026, sa Hyatt Regency O’Hare, Rosemont, Illinois.

Ang pagtitipon ay naging daan din upang ipagdiwang ang ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas.

Dumalo bilang kinatawan ni Consul General Melanie Rita B. Diano sina Consuls Melvin Almonguera at Ella Karina Mitra upang ipahatid ang pakikiisa ng Philippine Consulate General sa Chicago.

Ibinahagi ni Consul Almonguera ang isang mensahe na nagbibigay-diin hindi lamang sa Araw ng Kalayaan, kundi maging sa ika-80 anibersaryo ng diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Pinuri rin niya ang PIWC sa patuloy na pagtataguyod ng isang tradisyong nagbubuklod at nagtatanim ng dangal sa puso ng mga Pilipino sa Midwest.

Iginawad ni Consul Mitra ang Plaques of Recognition mula sa PCG-Chicago kina PIWC Overall Chairman Reynel Espiritu at PIWC Board of Trustees President Mercy Matousek para sa kanilang walang-sawang dedikasyon sa pagtataguyod ng kulturang Pilipino at pagpapalakas ng Fil-Am community.