Sali

Tawi-Tawi One party sumuporta sa tambalang BBM-Sara

226 Views

SUMUPORTA kina presidential candidate Ferdinand ‘BongBong’ Marcos Jr. at vice presidential aspirant Sara Duterte ang Tawi-tawi One Party (TOP).

Ang pagsuporta ng mga lokal na opisyal ng probinsya ay pinangunahan ni Tawi-Tawi Gov. Yshmael “Mang” Sali, chairperson ng TOP.

“The province of Tawi-Tawi was not spared from the effects and devastation brought by the global pandemic. TOP believes that through unity, the Filipino people can rise again and achieve economic progress,” saad ng resolusyon na pinagtibay ng TOP.

Ang plano umano ng UniTeam tandem na pagkaisahin ang bansa at lumikha ng maraming trabaho ang kailangan ng bansa.

Samantala, sinabi ni Gov. Sali na ang lahat ng 11 mayor ng probinsya ay sumusuporta rin kina Marcos at Duterte.

Nasa 200,000 ang botante sa probinsya na bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nagpasalamat naman si Marcos sa suporta ng Tawi-Tawi sa kanilang tambalan.

“Napaka-importante itong support. Napakalaking bagay na ipakita rin sa tao na dumarami na ang sumasama sa atin. Dumadami na hindi lamang taong-bayan kundi pati na ang mga political leaders syempre sa iba’t ibang probinsya,” sabi ni Marcos.